Amiel Sol — Sa Bawat Sandali

Слушать Amiel Sol — Sa Bawat Sandali

Текст Amiel Sol — Sa Bawat Sandali

Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko

Kumakabog na naman ang dibdib
Sa pagkabahala na dala ng daigdig
Sa dami ng nangyayari
Sa’n ba ‘ko lalapit
Kundi sa’yo
Lang ako kakapit

Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa ‘kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Ika’y sasalubungin
Ooohh

Nais kong sumibol kasama ka
At sulyapin natin ang ating hinaharap
Ikaw lang, ikaw ang aking pahinga
Sa ‘yo aking gising, hanggang sa pagtulog
Sa ‘yo ang pag-ikot ng aking mundo

Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa ‘kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Laman ka ng bawat panalangin
Ikaw ang pahinga sa bawat sandali
Patungo sa ‘yo ang aking tinig
At iisa lang ang sinasabi ng pintig
Ika’y sasalubungin

Oooh
Oooh

Kapag magulo na ang mundo
Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko
Tumakbo ka rin patungo sa ‘kin
Kapag bumibigat na ang iyong dibdib
Sa isang sulyap mo lang
Tila ako’y hagkan mo na
At ang mundo’y gumagaan